Binati ng Department of National Defense (DND) ang pagkakaupo ni Lieutenant General Romeo Brawner Jr. bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa Defense Department, hindi matatawaran ang tatlong dekadang paglilingkod ni Brawner kung saan ipinakita niya ang kahusayan sa pamumuno.
Para sa DND, excellent choice ang pagkakatalaga kay Brawner bilang bagong pinuno ng AFP dahil sa maayos nitong pamamahala at pamununo, partikular na sa nagpapatuloy na internal at external security operations.
Kumpiyansa ang DND, na ipagpapatuloy ni Brawner ang pagtataguyod ng excellence, innovation at professionalism sa kaniyang pamumuno sa AFP.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pagpupugay ang Defense Department kay dating AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Presidential Adviser on West Philippine Sea. | ulat ni Jaymark Dagala