Lumagda ng isang Memorandum of Agreement ang ang Honda Philippines at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsuporta nito sa Motorcycle Riding Academy ng mga motorcycle riders.
Ayon kay MMDA Acting Chair Atty. Romando Artes, layon ng naturang MOA na magkaroong ng isang partnership ang MMDA at Honda Philippines sa pagbibigay nito ng motorcycle units na magbibigay ng karagdagang kasanayan sa mga motorcycle riders sa Kalakhang Maynila.
Dagdag pa ni Artes na layon din ng kanilang paglulunsad ng riding academy ay upang mabawasan ang aksidente na kinasasangkutang ng motorsiklo at magkaroon ng mas malawak na kasanayan ang mga nagmo-motor sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio