Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabuksan ang kanilang Motorcycle Academy sa darating na Agosto.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, tinatapos na lang ng MMDA ang konstruksyon ng mga classroom para sa mga rider.
Kung saan dalawang araw ang itatagal ng naturang training course sa mga rider at 100 participants and kayang i-accomodate kada batch.
Matatandaang layon ng Motorcycle Academy na mabawasan ang mga aksidente sa kalsada sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio