Clearing operation sa itinalagang altenatibong ruta sa Lunes, sinimulan na ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

May ilang sasakyan na ang hinila at inimpound ng MMDA Task Force Operations and Anti-Colorum Unit sa itinalagang alternate routes sa Teachers Village sa Quezon City.

Ang operasyon ng MMDA ay bilang paghahanda sa SONA ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay MMDA Col. Bong Nebrija, head ng Task Force Special Operations and Anti-Colorun Unit, lahat ng mga motoristang maapektuhan ng aktibidad   sa Commonwealth Avenue ay padadaanin sa mga itinalagang alternate routes.

Apela pa ni Col Nebrija sa publiko na iwasan ang obstruction sa daan para hindi makaabala sa mga motorista.

Samantala lahat ng mga unattended na sasakyan na hinila ng MMDA ay dinala sa Tumana impounding area habang ang ibang motorista ay tinikitan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us