Buhos ng investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa polisiya ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagbuhos ng investment pledges sa unang quarter pa lamang ng 2023 ay nagpapakita ng kumpiyansa sa polisiyang inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ipinapakita lamang din aniya nito na matagumpay na naikampanya ni PBBM sa kaniyang foreign trips ang Pilipinas bilang investment destination.

“It is a clear vote of confidence in the Philippine economy’s potential and prospects and affirms the soundness of the economic and fiscal policies of President Bongbong Marcos geared towards the attainment of his vision to bring our country to upper-middle income status by 2025,” sinabi ni Speaker Romualdez.

Batay sa ulat ng Bureau of Investments, natriple pa ang naaprubahang investment sa unang quarter ng taon.

Ang P698 billion investment na ito ay 203% mas mataas kaysa sa P230 billion noong nakaraang taon.

P393 billion ang ipinangakong investment ng German companies, sinundan ito ng Singapore (P16.8 billion), the Netherlands (P3.57 billion), France (P2.04 billion) at United States (P1.9 billion).

Sa ulat pa ng BOI, ang 155 na proyekto bahagi ng investment pledges ay 43 prosyentong mas mataas kumpara sa 106 na proyekto mula January hanggang June 2022.

Oras na maisakatuparan ito, 29,964 na karagdagang trabaho ang malilikha. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us