?????? ????????? ??????, ??????? ?????? ?? ?????? ???? ?? ?? ???? ?? ??? ????? ???? ??????? ??? ??????? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayaw nang patulan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga usap-usapan na nais na umano siyang palitan bilang pinuno ng Senado.

Aminado rin si Zubiri, na nakaabot rin sa kanya ang ugong na ito at base sa source niya na isa sa mga dahilan nito ay ang kanyang posisyon sa charter change (cha-cha).

Iginiit rin ng senate president, na handa naman siyang bumaba sa pwesto sakaling magkaroon ng 13 boto ng mga senador na pabor sa pagkakaroon ng bagong senate president.

Sa mga nagsasabi namang ang ugong na ito ay dahil sa mabagal na trabaho at mababang output ng Mataas na Kapulungan, pinaliwanag ni Zubiri na bahagi na ng tradisyon ng senado na pag-aralang mabuti ang mga panukalang batas.

Pero taliwas sa sinasabi ng mga nagsusulong ng black propaganda, iginiit ni Zubiri na marami nang nagawa ang senado.

Katunayan, ngayong linggo lang ay dalawang priority measures ang kanilang naipasa kabilang na dito ang amyenda sa AFP Fixed Term law, at ang panukalang condonation ng loan ng agrarian reform beneficiaries.

Sa susunod na linggo ay magpapasa pa sila ng maraming mga panukalang batas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us