Lifted na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19.
Ito ay sa bisa na din ng inilabas na Proclamation No. 297 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dahil dito, lahat ng nauna nang inisyung memoranda na may kaugnayan sa State of Public Health Emergency ay itinuturing nang walang bisa.
Ganunpaman, lahat ng emergency use authorization na inisyu ng FDA na may kinalaman sa Executive Order No. 121 ay mananatiling valid pa ng hanggang Isang taon partikular mula sa petsa kung kailan naisyu ang Proclamation No. 297.
Nakapaloob sa EO No. 121 ang pagkakaroon ng awtorisasyon ng FDA na makapag-isyu pa ng EUA para sa COVID-19 vaccines.
March 2020 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara sa buong bansa sa ilalim ng State of Public Health Emergency. | ulat ni Alvin Baltazar