Anumang planong pagpasok sa bansa ng ICC, nasa Pangulo na ang pagpapasiya -DOJ Usec. Vasquez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagpapasiya kung papayagang makapasok o hindi sa bansa ang International Criminal Court para magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, dahil kumalas na ang Pilipinas sa ICC, lahat ng options ay nasa executive department na.

Aniya, lahat ng pagpipilian ay available na. Una ay maaari silang tanggapin o maaari silang payagan pero may limitasyon kung dadaan sila sa protocols.

Nilinaw ni Usec. Vasquez na options lamang ito at puwede ring hindi na sila papasukin o di kaya ay puwede ring ipagkibit-balikat  na lang dahil hindi na miyembro ng ICC ang bansa.

Sa ngayon, malinaw ang desisyong hindi na makipag-enggage sa ICC, ibig sabihin, hindi na makikipag-coordinate ang pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us