Suspendido ang klase at pasok sa trabaho sa National Capital Region (NCR) sa Lunes.
Ito ang nilalaman ng Memorandum Circular na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Inisyu ang nasabing Memorandum Circular upang matiyak na din ang kaligtasan ng bawat isa sa posibleng epektong maidulot ng bagyong Egay at makaiwas sa anumang posibleng abala na malikha ng ikinakasang transport strike.
Ganunpaman, hindi saklaw ng Memorandum Circular 25 ang
government agencies na ang trabaho ay may kinalaman sa pagbibigay ng basic and health services, nasa linya ng preparedness at response sa mga disaster at kalamidad .
Paglilinaw din ni ES Bersamin, saklaw lamang ng Memorandum Circular ang nasa pampublikong tanggapan habang nasa diskresyon na ng private companies at schools kung magsususpinde din ng kanilang klase at trabaho.| ulat ni Alvin Baltazar