Manantili pa rin ang hybrid set-up para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24.
Ito ang sinabi ni House Sec. Gen Reginald Velasco ng matanong ng Radyo Pilipinas kung magkakaroon ba ng pagbabago matapos ilabas ang Proclamation No. 297 na nag-aalis sa State of Public Health Emergency.
Matatandaan sa naunang panayam kay Velasco noong July 20, sinabi nito na hinihintay lamang nila ang opisyal na deklarasyon ng pag-alis sa public health emergency status para makabalik face-to-face session.
“Kasi once the restrictions are lifted, we will have the face-to-face na in our plenary. That means, wala na yung mga Zoom meetings. Everyone should be present physically. Yun naman ang goal natin na eventually we’d be back to normal, face-to-face, everybody will be coming here,” ani Velasco
Sa ngayon ay wala pa rin naman aniyang desisyon ang Kamara kung sa mga susunod na araw ay obligado nang dumalo ng pisikal sa mga pulong ng komite at sesyon ang mga mambabatas.
Ang hybrid set-up para sa SONA ay upang makadalo pa rin kahit via video conferencing ang mga opisyal at mambabatas na may edad na, vulnerable o hindi makaluwas ng Maynila para personal na dumalo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes