Muling pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga local chief executive (LCE) o local officials na maging present at manatili sa kanilang pwesto sa panahon ng bagyo.
Layon nitong maipatupad ng maayos ang Operation LISTO protocols sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa PAGASA, bahagyang lumakas ang bagyong Egay at malapit nang maging severe tropical storm category.
Huli siyang namataan kaninang alas-4:00 ng madaling araw sa layong 585 kilometro ng Silangan-
Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes o 705 kilometro ng silangan ng Daet, Camarines Norte.
Sinabi ni Abalos na kritikal ang presensya ng LCEs sa mabilis na pagpapatupad ng LISTO protocols lalo na sa grassroots level.
Aniya, lahat ng hakbang sa protocols ay itatakda ng LCEs, na tutulungan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Officer.
Sa ilalim ng Operation LISTO Protocols, pupulungin ng LCEs ang LDRRM Councils sa loob ng 24 na oras pagkatanggap ng bad weather bulletin.
Susuriin nito ang Contingency Plans at pag-aayos ng Search, Rescue and Retrieval, Security, at Clearing Operations Teams, bukod sa iba pa. | ulat ni Rey Ferrer