Alas-3:00 mamayang madaling araw, ipatutupad na ng Quezon City Police District (QCPD) ang full deployment ng mga pulis para sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay QCPD Station 3 Commander Lt. Col. Morgan Aguilar na nakabase sa STU Sandigan, kasama na rin sa deployment ang iba pang augmentation support mula sa ibang police district.
Sa bisperas ng SONA, nananatiling maayos ang sitwasyon sa kahabaan ng Commonwealth at Batasan Complex.
Kanina, nagsagawa ng inspection si NCRPO Regional Director PBrig. General Jose Melencio Nartatez Jr. sa QCPD sa Camp Karingal.
Sinilip nito ang Command Center at Multi-Agency Coordinating Center ng pulisya.
Dito mamomonitor ang mga footages o kuha ng mga CCTV, body cameras at drone ng mga pulis sa 16 na lugar na binabantayan ng mga pulis sa panahon ng SONA.
Ininspeksyon din nito ang nasa 150 motorcycle units na gagamtin ng QCPD sa pagpapatrolya.
Sunod na pupuntahan ngayong hapon ni General Nartatez para sa inspeksyon ay ang Batasan Complex. | ulat ni Rey Ferrer