SONA ng Pangulong Marcos Jr., posibleng di lumagpas ng isang oras

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng hindi na humaba pa sa higit isang oras ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, batay sa kaniyang nakuhang impormasyon ay maaaring 45 minuto hanggang isang oras lang tumagal ang talumpati ni PBBM.

Bagamat aminado na hindi pa alam ang lalamanin ng SONA, aantabayanan aniya nila ang mga ibabahaging achievement ng Chief Executive ganun din ang mga iaatas nito sa kanilang mga mambabatas.

Bagamat nagluwag na sa health protocols, nananatili ang temperature check sa mga papasok na bisita.  Optional na ang pagsusuot ng face mask.

Wala na rin ang COVID testing, ang hahanapin na lamang ay ang hard copy o screenshot ng vaccination card, VaxCert o BOQ certificate na nagpapakita na nakatanggap na ng primary dose ng bakuna.

Para sa mga hindi bakunado kailangan naman ipresinta ang negative RT-PCR test na isinagawa 48-oras bago ang SONA.

Ang mga may temperature na 37.4 o 37.7 ay kailangan sumailalim sa Antigen Test, at makakapasok lamang kung negative ang resulta.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us