Tandang Sora at harap ng CHR, bantay sarado ng pwersa ng Pulisya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking puwersa ng Civil Disturbance Management ng Philippine National Police (PNP) ay nakapuwesto at nakatutok sa Tandang Sora at harap ng Commission on Human Rights (CHR).

Sinabi ni Police Supt. Joseph Bullong na abot sa 800 pwersa ng mga pulis ang itinalaga sa Sub Task Unit(STU) Tandang Sora habang 400 naman sa STU CHR.

Sila ang naatasan na magbantay sa martsa at iba pang aktibidad ng mga raliyista sa harap ng CHR at sa Tandang Sora.

Kumpleto ang mga kagamitan ng mga pulis at 100 porsiyentong handa sa anumang kaganapan sa maghapon.

Pinapagana na rin ang drone ng QCPD sa mga lugar para sa monitoring purposes. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us