Pormal nang nagbukas ang 2nd Regular Session ng 19th Congress.
Pinangunahan ito ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa kaniyang talumpati, kinilala nito ang mga napagtagumpayan ng Kamara sa unang Regular Session.
Kabilang dito ang pagpapatibay sa 33 LEDAC priority bills.
Kasabay nito ay kaniyang tiniyak na ang nalalabing 11 prayoridad na panukalang batas ay agad nilang tatalakayin.
Maliban naman sa LEDAC bills, ay tututukan din aniya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagresolba sa isyu sa agrikultura.
Kabilang dito ang pagpapataas sa Strategic Agriculture and Fisheries Development Zones.
Sa paraan aniyang ito ay matitigil na ang illegal fishing at maisusulong ang responsableng pangingisda at pagprotekta sa ating marine resources.
Isa rin sa kanilang itutulak ang pagpapalakas sa Public-Private Partnership Program.
Paalala naman ni Romualdez na hindi lang sila basta mga taga-gawa ng batas ngunit kabahagi rin sa nation building.
Napili naman sina: Rep. Aurelio Gonzales, Rep. Salvador Pleyto, Rep. Jaime Cojuangco, Rep. Sandro Marcos, Rep. Marlyn Premicias Agabas, at
Rep. Paul Daza bilang bahagi ng joint committee na sasalubong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Kathleen Jean Forbes