Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel na ginagampanan ng digitalization sa pagpapabilis ng pagbibigay ng serbisyong publiko sa mga Pilipino.
Sa ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na base sa datos, ang digitalization efforts na naipatupad na ng gobyerno ay nagresulta sa pagiging mas episyenteng government services.
“Digital payments accounted for 42 percent of the total retail payments made in 2022, whether by businesses, individuals, or by the government. Its high trajectory is now well-positioned to achieve Bangko Sentral’s target of 50 percent of total retail payments by this year.” —Pangulong Marcos.
Halimbawa aniya ay ang loan applications, revenue collection, at business registration, kung saan hindi na kailangan ng publiko na pumunta at pumila sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Binanggit ng pangulo ang inilunsad na eGov PH app, o iyong mobile application kung saan available ang serbisyo ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Binanggit rin ni Pangulong Marcos Jr. ang DMW Mobile app, na magpapadali sa pagbibigay ng kinakailangang assistance ng mga OFW.
“There will be more improvements, as our internet infrastructure undergoes further upgrades. Early this year, Starlink went live in the Philippines, now providing high-speed satellite broadband connectivity. Our National Fiber Backbone and Broadband ng Masa projects will also deliver high-connectivity and high-speed internet. We are prioritising geographically isolated and disadvantaged areas.” —Pangulong Marcos.
Samantala, dahil rin aniya sa patuloy na upgrade na ginagawa ng gobyerno, ang internet speed sa Pilipinas ay bumilis na.
Nito lamang Hunyo, ang bansa ay nasa ika-47 pwesto na mula sa 180 na bansa pagdating sa broadband speed.
“The DICT has been directed to consolidate all these digitalised government services into the eGov PH app, to establish the National Government Portal and the Philippine Business Databank, and to improve the internet speed in our country.” —Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang E-Commerce Roadmap ng bansa, in-place. At patuloy na sumasabay ang gobyerno sa e-commerce at sa makabagong teknolohiya.
“The first bill that I signed into law was the SIM Registration Act. We are mindful of the risks and vulnerabilities that can lead to negative consequences. Digital users and consumers shall be protected from identity theft, phishing, and other online scams, through essential systems and safeguards, such as cybersecurity, data privacy, consumer complaint mechanisms, and financial literacy campaigns.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan