BOI-approved investment projects sa unang taon ng Maros Administration, umabot na sa P1.2 trillion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw (July 24), upang ipabatid sa mga Pilipino ang update kaugnay sa investment pledges at projects na ipinapasok sa bansa.

“Under the banner of our fast-growing economy, we are aggressive in our investment and business promotions and facilitations. For that, we have not limited ourselves to the local economy, but have looked to the global economy for partnerships and agreements.” —Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, sa mga nagdaang foreign trips mula sa 10 bansa nasa P3.9 trillion na ang halaga ng investment pledges ang naiuwi ng Philippine delegation.

Sa oras aniya na maisakatuparan ang mga ito, makalilikha ito ng 175,000 trabaho sa bansa.

Ayon sa Pangulo, sa unang taon ng Marcos Administration nasa P1.2 trillion ang halaga ng investment ang naaprubahan na ng Board of Investment (BOI).

Habang ang iba pang strategic investment na naaprubahan para sa processing sa pamamagitan ng green lanes ay nagkakahalaga ng P230 billion.

Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos, ang mga umiiral na bilateral at multilateral trade agreements ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ay nagbibigay daan lamang sa pamahalaan, upang mas maging competitive at upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us