Alert Level Charlie, nakataas sa ilang lalawigang hahagupitin ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinakamataas nitong alerto o Alert Level Charlie sa ilang lalawigan sa Luzon na posibleng makaranas ng matinding epekto sa bagyong Egay.

Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), as of 5am, posibleng makaranas ng lakas ng hangin na hanggang 150 kilometers/hour at malalakas na pag-ulan ang mga lalawigan ng Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao.

Sa ilalim nito, posibleng makaranas ng pinsala ang ilang high risk at light structures, magbalyahan ang mga puno at maapektuhan rin ang mga pananim.

Nakalagay naman sa Alert Level Bravo ang mga lalawigan ng:

Abra
Batanes
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
Mountain Province

Habang Alert Level Alpha naman ang mga lugar ng:

Albay
Aurora
Bataan
Batangas
Benguet
Bulacan
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Cavite
Eastern Samar
Ifugao
La Union
Laguna
Marinduque
Masbate
Metro Manila
Northern Samar
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pampanga
Pangasinan
Quezon
Quirino
Rizal
Romblon
Samar
Sorsogon
Tarlac
Zambales

Kaugnay nito, pinaghahanda na ng DILG ang mga maapektuhang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Oplan Listo Protocols.

Kabilang dito ang pagsisiguro na operational at kumikilos ang kani-kanilang Emergency Operations Center, agarang pagtatalaga ng mga posibleng evacuation centers, at pagsasagawa ng preemptive evacuation para sa mga naninirahan sa mga lugar na itinuturing na danger zones. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us