VP Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati kay Pres. Marcos Jr. sa kanyang ikalawang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang naging talumpati sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Sa isang statement sinabi ng Ikalawang Pangulo na siya mismo ay hanga sa pagpapatakbo ng Pangulong Marcos sa ating bansa at siya ang kanyang inspirasyon upang mas maglingkod pa ng mabuti para sa ating mga kababayan.

Nagpapasalamat din ito sa patuloy na pagsuporta nito sa kanilang adhikain sa pagpapalakas ng educational reform and recovery ng Department of Education mapa-teaching at non-teaching staff maging ang mag-aaral.

Saad pa ng Ikalawang Pangulo na inaasahan niya ang mga ipinangakong programa ng Pangulo sa Agriculture Department upang magkaroon ng mas abot kayang bilihin para sa ating mga kababayan.

Sa huli, muli namang iginiit ang taos pusong pasasalamat sa maayos na pamumuno nito sa bansa at nangakong susuporta sa lahat ng programa ng Pangulo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us