Nagpasalamat si Tourism Secretary Christina Frasco kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasaprayoridad ng pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa bansa.
Ayon sa kalihim, isa sa kanyang ikinatuwa ang mas maluwag na pagpasok sa ating bansa dahil tinanggal na ang COVID-19 protocols at restrictions sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim na hindi maaabot ng DOT ang tatlong milyong foreign tourists kung hindi dahil sa maayos na polisya at programa ng administrasyon sa muling pagbangon ng turismo sa pagkakalugmok noong kasagsagan ng pandemya. | ulat ni AJ Ignacio