Naglabas ang pamunuan ng Cebu Pacific Air ngayong umaga ng two-day flight cancellation advisory dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng bagyong Egay.
Ngayong July 25, kaselado ang mga flights patungong Cauayan, Masbate, Naga, San Jose, Mindoro, Tuguegarao, at Virac, Catanduanes at pabalik ng Maynila.
Bukas July 26 kanselado rin ang byahe patungong Cauayan, Tuguegarao, at pabalik ng Maynila.
Ayon sa Cebu Pacific Air bukas ang kanilang tanggapan para sa mga iba pang katanungan ng mga pasahero para sa nabangit na two-day flight cancellations. | ulat ni AJ Ignacio