Kasabay ng pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas ang ginagawang pagpapaigting rin ng pamahalaan sa kakayahan ng mga Pilipino.
Ito’y ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon, magandang kalusugan, at trabaho sa mga Pilipino.
Sa ikalawang SONA ng pangulo, siniguro nito ang patuloy na paglalaan ng malaking pondo para sa mga proyekto sa ilalim ng mga linyang ito.
“Naglaan tayo ng sapat na pondo para sa pag-lingap sa mga lubos na nanga-ngailangan. Layunin natin na sila ay makabangon, mabigyan ng sapat na kakayahan, at maging produktibo.” —Pangulong Marcos.
Muli ring tiniyak ng pangulo na walang Pilipino ang maiiwan sa pag-unlad ng bansa.
“Sa ating pagtahak sa kaunlaran, walang mama-mayang Pilipino ang maiiwanan. Para sa atin, ang bawat buhay ay mahalaga—anuman ang edad, kasarian, pangkat, relihiyon, o pisikal na kundisyon. Sila ay kukup-kupin at tutulungan.” —Pangulong Marcos.
Sa SONA ng pangulo, inilatag rin nito ang mga ipinatutupad na programa ng pamahalaan para sa pangangailangan ng publiko.
Halimbawa ang skills training ng TESDA, AICS, cash-for-work, at TUPAD program ng DSWD at DOLE.
“Hindi lamang DSWD, kundi pati ang DOLE, DepEd, TESDA, at CHED, ay tumutulong sa ating mga kababayang nangangailangan. Ang AICS, TUPAD, TVET for social equity, social pension for indigent senior citizens, at ang cash-for-work para sa mga PWDs ay ilan lamang sa mga maha-halagang programa ng pamahalaan para sa kanila. Nariyan din ang Integrated Livelihood Program-Kabuhayan upang matulungan ang mga maliliit na negosyo.” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, binigyang diin ng pangulo na ang pensyon ng military at uniformed personnel ay kasing halaga at kasing urgent ng pensyon ng iba pang sibilyan manggagawa.
Dahil dito, puspusan na aniya ang pakikipag-ugnayan ng Ehekutibo sa Kongreso para sa mas maayos na transition mula sa dating pension system, patungo sa bagong pension system, upang masiguro na walang epekto ang mararamdaman ng uniformed personnel.
“We are inclusive in our pursuit of social protection. The pension of the military and uniformed personnel is as important, urgent, and humanitarian as that of all other civilian Filipino employees. Efforts are underway to make it fully functional and financially sustainable. We are working closely with Congress to ease the transition from the old system to the new one, so as to be able to guarantee that no effects are felt by those in the uniformed services.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan