May ihahabol pang “assignment” si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, mayroong ilang panukala at marching order si PBBM na hindi na nabanggit sa SONA ang ipapadala na lamang aniya sa kanila.
“Sa totoo lang, ang ginawa niya kanina, yung mga hindi nakapasok [sa speech]… ihahabol na mga assignment sa mga congressman at para sa mga senador. Para sama-sama tayo, yung sinasabi niyang whole of government approach,” pahayag ni Romualdez.
Ilan sa mga panukala na hiniling ng Pangulo sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na maipasa ay mga tax measures sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework, gaya ng:
- Excise Tax sa single-use plastics
- VAT sa digital services
- Rationalization ng mining fiscal regime
- Motor Vehicle User’s Charge/Road User’s Tax
- Military and Uniformed Personnel Pension
Kasama rin sa mga nailatag ng Pangulo sa kanyang SONA ang amyenda sa Fisheries Code, Anti-Agricultural Smuggling Act, at Cooperative Code; New Government Procurement Law; New Government Auditing Code; Anti-financial accounts scamming; Tatak-Pinoy Law; Blue Economy Law; Ease of Paying Taxes; LGU income classification; at The Philippine Immigration Act. | ulat ni Kathleen Jean Forbes