Agarang pagpapadala ng relief goods sa Cagayan, pinatitiyak ni DSWD Sec. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na tiyakin ang interoperability ng mga regional offices sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR) pagdating sa agarang pagpapadala ng relief goods sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa kalihim, nais nitong makatiyak na mabilis na makapaghahatid ng tulong ang pamahalaan sa lalawigan na ngayon ay nasa ilaim ng Signal No. 3 dahil sa Super Typhoon Egay.

Una na ring inatasan ni Sec. Gatchalian si DSWD Cagayan Valley Regional Director Lucia Alan na siguruhin ang imbentaryo ng family food packs (FFPs) sa lalawigan.

“If Typhoon Egay hits the northernmost part which is Aparri, the nearest warehouse is in Lallo, which is only about 20-30 minutes away. In the Calayan Island, we pre-positioned 1,000 FFPs,” pahayag ni Director Alan.

Sa ngayon, mayroon naman nang 12,000 Family Food Packs ang naka-pre-position na sa DSWD warehouse sa bayan ng Abulug, at 6,000 FFPs sa Lallo Warehouse.

Nakahanda na rin ang transportasyon na gagamitin para maihatid ang food packs at inuming tubig sa mga lugar na may mga ililikas na residente.

“We are closely coordinating with the LGUs concerned, assuring them of our augmentation aside from the prepositioned food packs in these areas,” ani Director Alan.

Bukod sa Cagayan, nakapag-dispatch na rin ang DSWD ng canned goods at food items sa Regions 1 (Ilocos), 3 (Central Luzon), 5 (Bicol), 6 (Western Visayas), CAR, Calabarzon, National Capital Region, at sa Visayas Distribution Resource Center (VDRC) bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Egay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us