Pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, suportado ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinang-ayunan ni Sen. Imee Marcos ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA laban sa mga smuggler ng agricultural products.

Ayon sa senadora, malakas ang mensahe ng Pangulo na bilang na ang mga araw ng smugglers.

Kaugnay nito, handa si Sen. Marcos na suportahan ang pag-amyenda sa anti-agricultural smuggling act.

Sa pamamagitan nito, maaari aniyang itulak ang pagpapataw ng mas matinding parusa sa mga nagpupuslit ng smuggled goods at panagutin din ang mga opisyal ng gobyerno na kasabwat dito.

Habang wala pa naman ang amendment, dapat na mas paigtingin din aniya ng pamahalaan ang enforcement ng kasalukuyang batas upang mahuli at maparusahan talaga ang mapang-abusong smugglers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us