Mga bagong license plastic cards, dumating na sa LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unti-unti nang matutugunan ng Land Transportation Office ang mga pending na driver’s license plastic cards.

Kasunod ito ng pagdating ng unang batch ng mga bagong license cards sa ahensya mula sa kanilang supplier na Banner Plasticard, Inc.

Pinangunahan ni DOTR Sec. Jaime Bautista kasama ang bagong talagang LTO Chief na si Asec. Vigor Mendoza II ang pagtanggap sa nasa 5,000 license cards.

Ayon sa LTO, inaasahan nitong makukumpleto na ang nasa 1 milyong cards mula sa Banner Plasticard, Inc. sa susunod na 60 araw.

Una nang sinabi ni DOTR Sec. Bautista na maaaring magtungo na sa mga tanggapan ng LTO simula sa Agosto hanggang Setyembre ang mga motoristang naisyuhan ng paper license para maipapalit ito sa physical license cards. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us