Pinakamataas na audit rating ng Commission on Audit, nakamit ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Audit (COA) matapos na makamit ang pinakamataas na Audit rating para sa taong 2022.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Red Maranan, patunay ang naturang COA report ng pagsisikap ng PNP na ipatupad ang fiscal responsibility at pagkakaroon ng mahusay na sistema ng financial management.

Nagsisilbi aniya itong motibasyon sa PNP na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap na itaguyod ang transparency at responsableng pamamahala ng mga resource na ipinagkatiwala sa kanila.

Tiniyak naman ni Maranan na mas lalong pagsisikapan ng PNP na gampanan ang kanilang mandato na protektahan at paglingkuran ang taumbayan sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng pampublikong pondo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us