Tumanggap ang mga biktima ng sunog ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan ng Mapun, Tawi-Tawi.
Ang nasabing ayuda ay 2 sako ng bigas, P5,000 para sa mga maliit na pinsala, at P15,000 naman ang natanggap ng mga may-ari ng bahay na ganap ang pinsala.
Samantala ipinag-utos agad ni Mapun Mayor Suraida F. Muksin ang pagbibigay ng ayuda, at ito ay pinangasiwaan ni SB member Omar Mocktar T. Abdulpatta. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi