Nakatakdang magsagawa ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng soft-launch ng Philippine e-Visa system sa mga Philippine Foreign Service Posts sa China simula Agosto 24, bilang bahagi ng pagsisikap ng ahensya na pagbutihin pa ang consular services nito.
Sa ilalim ng Philippine e-Visa, pahihintulutan ang mga foreign national na makapasok sa bansa bilang isang turista o mag-negosyo para makapag-apply ng kanilang temporary visitors’ visa sa pamamagitan ng kanilang computer, laptop o mobile devices.
Nagsagawa rin ang DFA ng pilot testing ng prototype e-visa system nitong July 11 kasama ang mga kinatawan ng DICT, mga Consul General, Visa Officers, at Visa Assistants ng Philippine Service Posts sa China.
Patuloy pang pinupulido ang mga features ng e-Visa system batay sa naging resulta ng kanilang pilot testing.| ulat ni Gab Humilde Villegas