Kinumpirma ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) na nasa 50 gun owners ang hindi na papayagang humawak ng baril.
Ayon kay PNP-CSG Director, P/BGen. Benjamin Silo Jr, ito’y dahil sa bigo ang mga nabanggit na mag-renew ng kanilang lisensya ng baril sa 2 magkahiwalay na okasyon.
Sa kabila aniya ng mga paalala at paulit-ulit na panawagan na magrenew na ng kanilang license to own and possess firearms outside of residence (LTOPF), hindi pa rin tumalima ang mga ito.
Paliwanag pa ni Silo, maliban sa pagbawi ng lisensya ng baril, papatawan din ang mga ito ng perpetual disqualification to own and possess firearms.| ulat ni Jaymark Dagala