Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na dodoblehin nito ang mga pagsisikap upang mapabilis ang implementasyon ng flagship connectivity projects.
Kasunod ito ng marching orders ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit pang pabilisin ang internet at mag-deploy ng mga high-tech wireless satellite broadband technology.
Ayon sa DICT, patataasin pa nila ang kung anong nakamit sa target ng connectivity programs upang maabot ang mas malawak na Pilipino sa mga liblib na komunidad.| ulat ni Rey Ferrer