Ibinahagi ni Tourism Secretary Christina Frasco ang mga nakamit ng Department of Tourism (DOT) sa unang taon ng Marcos Jr. administration sa isinagawang 2023 Post SONA Discussions ngayong araw.
Nagpasalamat ang kalihim kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-prioritize sa sektor ng turismo na siyang nagbigay daan upang muling ipakilala ang Pilipinas at pag-ibayuhin pa ang mga mahahalagang haligi ng tourism development na nakapaloob sa National Tourism Development Plan 2023-2028.
Ilan sa mga mahahalagang nakamit ng ahensya ay ang muling pagbubukas ng border ng bansa para sa lahat ng turista kung saan umabot sa 2.65 milyon ang naging international tourist arrivals sa bansa, lagpas sa 1.7 milyon na year-end projections nito.
Nitong July 21 naman ay umabot na sa 3.017 milyon ang bilang ng foreign visitor arrivals sa bansa, mababa sa target na 4.8 milyon ngayong taon.
Ipinagmalaki ng kalihim ang mga infrastructure at digiitalization initiatives ng ahensya na magpapalakas sa connectivity ng mga tourist destinations at mapabuti ang traveler convenience, sa pamamagitan ng partnership nito sa Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, at Department of Information and Communications Technology.
Binanggit rin ni Frasco na inaasahan nito na malayo pa ang mararating ng sektor ng turismo sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa mga tourism stakeholders.| ulat ni Gab Humilde Villegas