Tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sapat na energy supply ng bansa sa pamamagitan ng immediate at short-terms measures sa kabila ng mga hamong dulot ng kaguluhan sa Ukraine at pagsipa ng presyo ng krudo at coal sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, hindi ito nakayanan ang pagkawala ng 1,200 MW Ilijan Power Supply dahil sa pag-expire ng Malampaya gas supply agreement nito at kawalan ng alternatibong natural supply at sa Luzon grid.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga malawakan power failure sa mga missionary areas dahil sa mataas na presyo ng diesel ay naiwasan dahil sa pag-apruba ng Pangulo sa budgetary support at credit lines upang pansamantalang mapunan ang kakulangan sa Universal Charge for Missionary Electrification.
Sinabi rin ni Lotilla na dahil sa inaasahang pagbaba ng produksyon ng Malampaya, ang Service Contract 38 ay na-renew upang matiyak ang buong produksyon ng field at upang simulan ang napapanahong pagbabarena ng mga kalapit na field.
Sinabi rin ni Lotilla na patuloy silang magsusumikap na makagawa ng long-term solutions na nakabatay rin sa layunin ng Pangulo na makabuo ng indigenous sources ng enerhiya sa bansa, lalo na pagdating sa renewable energy.| ulat ni Gab Humilde Villegas