????, ??????? ?? โ‚ฑ84.8-? ????? ???? ?? ????????? ????-???-???? ??????? ?? ??? ???????? ?? ??? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Popondohan ng โ‚ฑ84.4-million ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang plano nitong Cash-For-Work (CFW) Program para sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MR Princess Empress.

Ayon sa DSWD, tina-target nitong matulungan ang higit 14,000 indibidwal na bibigyan ng temporary employment kapalit ng emergency cash transfer equivalent na katumbas naman ng regional minimum wage sa MIMAROPA.

Sa ngayon ay hinihintay na lang aniya ng ahensya ang go signal mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) bago simulan ang programa na tatagal ng 15 araw.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin naman ang pamamahagi ng ayuda ng DSWD sa mga apektadong lalawigan sa MIMAROPA at Western Visayas Region.

Nagbigay na rin ng direktiba si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Field Office (FO) MIMAROPA para simulan na ang payout ng tig-โ‚ฑ5,000 financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa 2,100 na residente ng Agutaya, Palawan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us