Lilinawin si Senate Committee on Labor chairman Senador Jinggoy Estrada sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang impormasyong inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA na umabot na sa 95 percent ang employment rate sa bansa.
Sinabi ni Estrada na kokonsultahin niya agad ang mga opisyal ng DOLE tungkol dito.
Bagamat nagkaroon ng improvement sa employment rate sa bansa ay hindi naman kumbinsido ang senador na ganun ito kataas.
Gayunpaman pinahayag rin ng senador na maaari namang may binigay na datos ang DOLE sa Malacañang naging basehan para masabi ng punong ehekutibo na 95 percent na ang employement rate sa bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion