Waste-to-energy Bill, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasponsoran na sa plenaryo ng Senado ang Waste-to-energy Bill o ang Senate Bill 2267

Layon ng panukala na magkaroon ng bagong energy sources habang napapangasiwaan ang solid waste sa bansa.

Ayon kay Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo, titiyakin ng panukala na aangkop ang bansa sa mga umiiral at made-develop pang waste-to-energy technology.

Nakasaad rin sa panukala na bibigyang awtoridad ang mga lokal na pamahalaan na pumasok sa clustering arrangement at public-private partnership para makapagtayo ng waste to energy facilities sa kanilang lugar.

Minamandato rin nito ang pagkakaroon ng health impact assessment bago ang pagpapatayo at operasyon ng waste to energy facilities.

Itinatakda ng panukala na dapat ang buong waste-to-energy process ay nakakasunod sa Ecological Solid Waste Management Act.

Pinagbabawal rin nito ang paggamit ng imported waste para hindi maging tapunan ang Pilipinas ng basura ng ibang bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us