Gumagalaw sa tamang direksiyon ang partnership sa pagitan ng gobyerno at ng private sector, lalo na sa aspeto ng infrastructure development.
Ito ang Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang ginawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) kahapon sa MalacaΓ±ang.
Sa katunayan ayon kay Pangulong Marcos ay nagtutugma ang mga plano ng pamahalaan hinggil sa infrastructure projects at rekomendasyon tungkol dito ng private sector.
Kaugnay nito, inihayag ng Pangulo na
ilang mga rekomendasyon ng PSAC para sa infrastructure development ay ginagawa na ng pamahalaan.
Ang iba pa nga sabi ng Presidente ay nasa kalahatian na, habang mayroon na ding nakumpletong mga proyekto.
Naging pokus ng meeting nina Pangulong Marcos at ng PSAC ang tungkol sa
key areas ng infrastructure partnerships at kabilang dito ang hinggil sa tubig, transport and mobility, logistics, energy, at Public-Private Partnership o PPP. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the President