Sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan at tubig na nanggagaling sa upstream areas ay nananatili pa ring below alert level ang Sinucalan River ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sta. Barbara, Pangasinan.
Bagama’t bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa ilog ay nananatili itong below alert level kung saan 5.10 MASL ang naitalang water level as of 03:00 PM ng July 26, 2023.
Samantala, 6.00 MASL ang itinuturing na normal water lever. 6.20 MASL naman ang maituturing na alert level at 7.00 MASL ang critical level ng ilog.
Patuloy ang pagpapaalala sa mga mamamayang naninirahan sa mga low-lying areas na maging handa sa posibilidad na pagbaha at mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan