Relief ops para sa mga sinalanta ng bagyong Egay, ikinakasa na ng Speaker’s Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakasa na rin ang Office of the House Speaker ng relief operations para sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Egay bilang bahagi ng Speaker’s Disaster Relief and Rehabilitation Initiative.

Sa kasalukuyan ay isinasapinal na lamang ng tanggapan ni Speaker Martin Romualdez ang listahan ng mga lugar na pag-aabutan ng ayuda.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Speaker’s Office sa mga kinatawan ng bawat distrito na apektado ng bagyo.

Pagsisiguro naman ng Office of the Speaker, na kahit nasa labas ng bansa si Romuladez ay nakatutok din siya sa sitwasyon.

Si Romualdez ay kasama sa state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us