EDCOM II, pinatitiyak na hindi maaabuso sa mga workplace ang mga batang apprentice o OJT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nirerekomenda ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa Senado na protektahan ang mga menor de edad o ang mga batang nasa ilalim ng Apprenticeship program ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na pinapatupad ng ilang mga kumpanya.

Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Labor, binahagi ni EDCOM chief legal officer Atty. Joseph Noel Estrada na base sa mga ginawa nilang konsultasyon sa mga menor de edad na apprentice, ang ilan sa kanila ay nakakaranas ng sexual harrassment at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga pinagsasanayan nila ng trabaho.

Maging ang mga batang apprentice na naa-absorb sa mga pinag-OJT- an nila ay nakakaranas pa rin ng harassment at iba pang klase ng pananamantala mula sa kanilang mga superior.

Sa pananaw ni Estrada, naaabuso ang mga batang apprentice dahil bata pa sila at wala pang masyadong alam tungkol sa kanilang lugar-paggawa.

Kaugnay nito, hiniling ng EDCOM II sa kumite ni Estrada na isaama sa panukala ang dagdag na mekanismo para maprotektahan at matiyak ang kaligtasan ng mga batang apprentice alinsunod na rin sa mga probisyon ng Safe Spaces Act.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us