Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaaral ngayon ng Kamara ang pag-tap sa savings ng pamahalaan para mapondohan ang pensyon ng military at uniformed personnel (MUP).

Ayon kay Appropriations Committee Chair Elizaldy Co bago pa, dumating ang pagtalakay sa 2024 national budget, ay hahanapan na nila ng pagkukunan ng pondo ang pension ng mga sundalo, pulis, at iba pang uniformed personnel.

Batay sa pagtaya ng House of Representatives, mangangailangan ng P3.6 trillion para sa susunod na tatlompung taon para maresolba ang isyun sa pensyon ng MUP dahil sa backlog at dumaraming bilang ng retirees.

Ipinunto rin ni Co na dapat tingnan ang MUP pension bilang isang installment at hindi isang bagsakang gastos.

“Maganda ang punto ni Speaker Martin na tingnan ito bilang installment at hindi isang bagsakang gastos. Hindi na natin patatagalin ito. Sosolusyunan natin ngayong taon.” sabi ni Co

Isa rin sa tinitingnan ng mambabatas ay ang pag-atang ng pangangasiwa ng naturang pension fund sa GSIS.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us