Umapela si Benguet Rep. Eric Yap sa national government na agad magpadala ng tulong sa kanilang lalawigan at kalapit probinsya sa Northern Luzon na pinadapa ngayon ng bagyong #EgayPH.
Sa mga ibinahaging larawan ni Yap ng sitwasyon sa Benguet, makikita na lubog sab aha ang maraming lugar kasama na ang sikat na strawberry farm sa La Trinidad, mga pagguho ng lupa at mga kalsadang hindi madaanan.
Kasalukuyan naman aniyang bineberipika ang ulat ng nasawi at nawawalang indibidwal dahil sa bagyo gayundin ang halaga at lawak ng pinsala.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang kaniyang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan upang mabatid ang bilang ng mga pamilyang apektado at maabutan ng ayuda, gayundin ang mga kalsadang dapat ayusin.
Hiling din ng mambabatas ang dagdag-pwersa para sa malawakang operasyon sa kanilang disaster rescue at relief.
“We call to our National Government for assistance, the Benguet Province is in dire need of help. In fact, marami pa rin sa ating kakailyan ang hindi nakakabangon mula sa mga nagdaang unos, dagdag na naman ito. We need forces for intensified operations for disaster rescue and relief. Many of our significant passageways in the province remain impassable as of the moment, obstructing emergency response and impeding the livelihood of hundreds of families in our province. Salamat sa ating LGUs at mga residente na sama-samang umaaksyon sa clearing ops,” ani Yap.| ulat ni Kathleen Jean Forbes