Muling iginiit ng National TeleCommunication (NTC) sa publiko na wala nang extension ang pagpaparehistro ng SIM cards.
Binigyan na ng pagkakataon ang mga SIM card owner para makapag parehistro mula ng palawigin pa ng 90 araw ang orihinal na deadline noong Abril 26.
Giit ng NTC, ang hindi pagrehistro ng mga SIM bago ang alas 11:59 ng gabi ng Hulyo 25 ay magreresulta sa pag-deactivate ng mga serbisyo ng telekomunikasyon at mobile data kabilang ang pag-access sa social media.
Maliban sa layunin na muling ma-activate ang mga hindi rehistradong SIM hanggang Hulyo 30 lamang.
Sa datos ng NTC, umabot sa 105.9 milyon ang nakapag-parehistro ng SIM card sa pagtatapos ng deadline.
Sa kabuuan, ang Smart ay nakarehistro ng 50 milyon, ang Globe ay may 48.4 milyon at DITO ay may 7.5 milyon.| ulat ni Rey Ferrer