Resolusyong hihikayat sa gobyerno na iakyat sa UNGA ang aksyon ng China sa WPS, tinalakay na sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Prinesenta na sa plenaryo ng senado ang resolusyon na maghihikayat sa gobyerno, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na iakyat na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na harassment at pambubully ng China sa pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa sponsor ng Senate Resolution 659 na si Senadora Risa Hontiveros, repsonsibilidad ng Senado na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino sa pinag-aagawang teritoryo.

Giit ni Hontiveros, makakatulong ang resolusyon para mapalakas ang claim at paggiit ng Pilipinas sa arbitral ruling kaugnya sa WPS.

Mahalaga aniyang makabuo ng international consensus kasama ang iba pang mga bansa sa pagpapahayag ng oposisyon sa walang basehang claim ng China sa bahagi ng ating teritoryo.

Suportado rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang resolusyon.

Ayon kay Zubiri, dahil sa patuloy na pambabastos ng China sa ating territorial waters ay wala nang ibang opsyon ang Pilipinas kundi manghingi muli ng suporta sa international community.

Sakali aniyang matagumpay na maipasa ang resolusyon sa UNGA ay mapapagtibay ng ating bansa ang international support para sa Pilipinas.

Makapagbibigay rin aniya ito ng pressure sa China na gawin ang anumang political at military activities nito sa labas ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Matapos ang pagkwestiyon ni Senador Alan Peter Cayetano sa resolusyon, nagdesisyon ang mataas na kapulungan na sa Lunes na lang muling talakayin ang resolusyong ito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us