Itinuturing ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang karangalan ang naging mainit na pagtanggap nina Malaysian King Al-Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim sa Istana Negara, sa ikalawang araw ng kaniyang State Visit sa Malaysia.
Bahagi ng seremoniya ang symbolic tree planting at paglagda ng Pangulo sa guestbook.
Sa joint press statement kasama si PM Anwar, nagpasalamat si Pangulong Marcos sa Hari, Reyna, at iba pang matataas na opisyal ng Malaysia sa imbitasyon at pagtanggap sa Philippine delegation sa tatlong araw na State Visit.
“During our audience with Their Majesties this morning, we spoke of longstanding relations and strong economic linkages between the Philippines and Malaysia, as well as the commonalities between our peoples which make our friendship easy. This afternoon, the Prime Minister and I recalled his successful official visit to Manila last March,” pahayag ni Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan