Inaasahan na sa buwan ng Agosto ay masimulan na ang pagbabakuna ng COVID-19 bivalent vaccines sa Kamara.
Ito ang inanunsyo ng House Medical and Dental services, matapos sumailalim sa orientation kasama ang Department of Health (DOH).
Oras na maging available ang bakuna, sisimulan ang pagbabakuna sa mga empleyado ng House of Representatives at kanilang dependents na kabilang sa A1 at A2 category.
Ang A1 ay kinabibilangan ng mga health care professionals pati na mga estudyante, janitor, nursing aide, at barangay health workers.
Habang ang A2 ay mga senior citizens.
Una nang nagkasa ng vaccination drive ang Kamara noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. | ulat ni Kathleen Jean Forbes