Nagpakawala na ng tubig ang dalawang dam sa Luzon bunsod ng mga pag-ulang dala ng habagat at Bagyong Egay.
Sa dam monitoring ng PAGASA Hydrometreology Division, walong gate ang binuksan sa Ambuklao Dam, habang anim naman sa Binga Dam.
As of 6am, umabot na sa 751.30 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao, malapit sa 752 meters na normal high water level.
Nadagdgaan naman ng higit 6 metro ang antas ng tubig sa Binga Dam na ngayon ay nasa 574.63 meters.
Una nang inabisuhan ang mga residente malapit sa naturang mga dam na manatiling alerto sa epekto ng pagpapakawala ng tubig ng mga ito
Samantala, ang Angat Dam naman na pinagkukunan ng 90% ng tubig ng Metro Manila ay nadagdagan ng higit isang metro ang antas ng tubig sa magdamag.
As of 6am, umakyat pa sa 182.98 meters ang water level sa dam mula sa 181.64 meters nitong July 26. | ulat ni Merry Ann Bastasa