27 road sections sa Luzon, hindi madaanan matapos sirain ng Bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa 27 road sections ang hindi madaanan ngayon matapos sirain ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng bagyong Egay.

Kabilang sa mga kalsadang ito ay nasa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley Region at Central Luzon.

Base sa reports ng Department of Public Works and Highways – Bureau of Maintenance, hindi pwedeng daanan ngayon ang Abra-Ilocos Norte Road Abra-Kalinga Road dahil sa pagguho ng lupa.

Sarado din ang Kennon Road, Camp 6, Tuba, Shilan-Beckel Road sa Shilan, La Trinidad, Benguet-Nueva Vizcaya Road; Gov. Bado Dangwa National Road at Baguio-Bontoc Road.

Sa lalawigan ng Apayao, sarado din ang Apayao-Ilocos Norte Road, Madduang, Kabugao, at Claveria-Calanasan-Kabugao Road, habang sa Ifugao ay ang mga kalsada ng Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road.

Ang mga kalsada sa MT. Province tulad ng Baguio-Bontoc Road, Mt. Province-Nueva Vizcaya Road, Mt. Province-Ilocos Sur via Tue Road, Mt. Province-Cagayan via Tabuk-Enrile Road, Tigil Section, Betwagan, Sadanga at Junction ng Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road.

Nasira din ang mga kalsada ng Laoag-Sarrat-Piddig-Solsona at Manila North Road sa Ilocos Norte.

Sa Ilocos Sur naman, hindi rin madaanan ang Tagudin-Cervantes Road, Cervantes-Aluling-Bontoc Road, Cervantes-Mankayan-Abatan Road, Mt. Province-Ilocos Sur via Kayan Road at Junction ng Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio.

Ang mga kalsada sa La Union tulad ng Luna-Bangar Road, Cagayan Province at Sta. Maria-Norzagaray Road sa Bulacan ay sinira din ng bagyo.

Pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong kalsada para sa kanilang pagbyahe. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us