Mahigit 200k manggagawa, nakinabang sa dispute services ng DOLE sa unang taon ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling kasangga ng mga manggagawang Pilipino ang Department of Labor and Employment o DOLE sa pagtataguyod ng kanilang karapatan at kapakanan

Ito ang inihayag ng Kagawaran makaraang i-ulat nito sa kanilang Post SONA discussions na aabot sa mahigit 200,000 mga manggagawa ang nakinabang sa iba’t ibang labor dispute resolution at settlement services na kanilang ibinigay

Ayon sa DOLE, partikular na nakakuha ng mataas na settlement rate ang Office of the Secretary, National Conciliation and Mediation Board, National Labor Relations Commission (NLRC), Bureau of Labor Relations, at iba’t pa.

Kabilang sa mga serbisyong ito ay ang pag-resolba sa di-pagkakaunawaan sa pamamagitan ng Single Entry Approach ng DOLE kung saan nakinabang ang 43,907 manggagawa at nagresulta sa pagkakasundo na nagkakahalaga ng halos dalawang bilyong piso.

Napigilan din ng kagawaran ang pagpapahinto sa trabaho sa mahigit 8,000 manggagawa dahil sa preventive mediation para ayusin ang kanilang isyu sa paggawa at pamamahala at maiwasan ang paghahain ng kaso.

Namagitan din ang DOLE sa pamamagitan ng Workers’ Organization Development Program (WODP) para sa responsable at maliwanag na paggamit ng mga karapatan ng mga manggagawa sa pagbuo ng organisasyon at collective bargaining. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us