Pagtaas ng halaga ng ayuda sa ilalim ng 4PS, ipinapanukalang gawin kada taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ng isang partylist solon na baguhin ang panahon o schedule ng review kung dapat na bang itaas ang ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps).

Ayon kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, maigi na gawin kada taon ang pag-aaral kung tataasan ang cash grant sa 4PS.

Sa kasalukuyan, kada anim na taon ang isinasagawang review ng PIDS (Philippine Institute for Development Studies).

Punto ng mambabatas kung annual ang review ay maibabatay ito sa kasalukuyang inflation rate, upang tunay na makatugon ang ibibigay na ayuda sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Maliban dito kung kailangan ngang itaas ang cash grant ay maaari aniyang ipasok na agad ito sa budget ng DSWD, oras na sumalang sa budget deliberation. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us